
Sakit, Pasakit, Malasakit: Pagkatha ng Pandemya sa Pilipinas (The Philippine Writers Series 2024)
Ang pagsulat ng katha hinggil sa pandemya ay hindi lamang pag-angkin ng manunulat sa sariling danas, kundi isang akto ng pag-akda para sa higit na nakararami. Ang pagkatha ay pagbuo at pagwasak ng danas ng sarili at ng iba. Inaako ito ng manunulat para sa mas malawak na pagsasamundo ng sarili at ng mayoryang mamamayan, na katulad niya ay nasa gilid lamang ng sentro ng kapangyarihan, nasa kalabisan, at biktima ng mga gahaman. Wala siyang magagawa kundi ang maghintay, magpalipas ng oras, at sa manaka-naka, ipagpatuloy ang pagsulat, paglaban, at paninindigan. Ang antolohiyang ito—na tungkol sa kani-kaniyang karanasan sa panahon ng pandemya—ay naglalatag ng tugon ng komunidad ng mga manunulat na hindi naging mabuti ang mga bagay-bagay, na lalong pinaigting ng labis na kapabayaan at oportunidad para sa higit pang pangungurakot at pandarambong ng mga dapat ay namamahala sa kabuhayan at kaligtasan ng lahat. Ito ay kolektibong pagtutol at paglatag ng pusta sa hinaharap na mga henerasyon. Ito