
Anti-Katha Agos Sa Experimental Na Kuwento Sa Pilipinas (The Philippine Writers Series 2023)
Paano kung ang pagkatha ay tumaliwas sa pagbuo at sumuong sa dekonstruksiyon kundi man pagwasak ng estruktura ng naratibo at ng mga nakasanayang anyo at kahulugan? Paano kung ang pagkatha ay lampas na sa paglikha ng nakasanayang anyo at pumalaot na sa pagsanib ng iba’t ibang teksto at kontekstong panlipunan, pangkasaysayan, at pangmodernidad? Maaari ba nating baguhin ang anyo at proseso ng pagkatha—panulat at pagbasa—upang lampasan ang mga nakatakda nang mga pamantayan, tulad ng ang maikling kuwento ay anyong pampanitikan o kultural? Narito ang naiibang koleksiyon ng mga experimental na kuwentong tumatalunton sa iba’t ibang paksa, panahon, espasyo, at anyo. Narito ang mga kathang nagsasanib at nagtitilad ng mga nakasanayan nating daloy ng naratibo. Hinahamon ng bawat kuwento at ng buong koleksiyon kung paano lalampasan ang nakasanayan at gahum ng panulat at paglikha. Narito na ang mga kathang anti-katha. Mga kuwentong nagsisiwalat ng kapangyarihan ng malikhaing kaisipan, posibilidad, a