
Presinto Uno at Iba Pang Kuwento sa Bingit (The Philippine Writers Series 2024)
Sa mga akda ni Kenneth Guda, ang mga detalye ng buhay ay nagiging mga detalyeng buhay na nagbibigay ng nagniningas na buhay sa bawat panauhin at pangyayari na kanyang isinasalaysay . . . Binubuhay ng kanyang mga salaysay ang kahit napakaliit man na pag-asa sa dibdib ng bawat mambabasa na posible pa ang pagbabago, katarungan, at tunay na kapayapaan sa ating lipunan. Bomen Guillermo, propesor, iskolar, at manunulat Kenneth’s work is critical, as he is among the best journalists writing in the Filipino language, a must if the goal is to help awaken consciousness among communities directly threatened by runaway development. Inday Espina-Varona, journalist Alam niyang mag-imbestiga ng mga kuwento sa kabila ng kuwento. Nasa binubura ang totoong kuwento. Ang sinisiyasat niya’y ang mga temang ikinukubli o itinatatwa ng estado. Nasa war zone ang Pilipinas. Kay raming namamatay, at walang pumapatay? Sa biglang tingin, para lamang itong ordinaryo at normal na pangyayari, pero kapag ito’y sinipat