
Kung may Sining sa Pagkabulok Hinagpis at Iba Pang Kuwento (The Philippine Writers Series 2023)
May inilalarawan ang kuwento, may ikinukuwento ang drawing. May manunulat at may manunulat, may pintor at may pintor—sila ang nagtatala ng pambansang memorya kaya sila’y mahalaga. Kapag ang talino nila’y pinag-isa, may kakaibang akdang mabubuo. Lalabas ang natatanging husay. Ganito ipinapanganak ang natatangi. Ganito ang ambag ni Erik Guzman Pingol sa una niyang librong Kung may Sining sa Pagkabulok, laging may sining ano man ang maapuhap ng isang tunay na artist. —Jun Cruz Reyes Manunulat | Pintor | Propesor Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe Testamento sa kapangyarihan ng sining biswal at malikhaing pagsulat ang kalipunang ito ng mga graphic story. Makabuluhan nitong ipinapakilala sa mga mambabasa ang mga klasiko at orihinal na kuwento na binihisan ng napapanahong interpretasyon. Marubdob ang bawat pagkukuwento gamit ang marubdob na mga pahayag at imahen. Itinaas nito ang pamantayan at bagong-dagdag na obra maestra sa listahan ng graphic literature sa bansa. —Eugen