
Mula Ilog At Iba Pang Kuwento (The Philippine Writers Series 2023)
Sa koleksiyon ng mga kuwento, dinala tayo ni Baquiran mula sa nakaraan (panahon ng Hapon) hanggang sa kasalukuyan (pandemya) kasama ng mga lugar, tauhan at kuwentong dati na nating alam ngunit ngayon, muli nating inaalam. Nanariwa ang mga sugat na hatid ng mga pangyayari sa buhay ng mga tauhan (na karaniwang tao) na biktima ng mga sitwasyong patuloy na lumalaban at mahigpit na nangungunyapit kahit sa huling hibla ng pag-asa. –EROS SANCHEZ ATALIA Kuwentista Madaya kung basahin ang mga kuwento ni Baquiran. Sa payak at simpleng estilo, mababanaag agad sa umpisa kung ano ang paksa at daluyong ng kanyang naratibo: batang kaibigang nalunod sa “Mula Ilog,” istokwa na nakipagsapalaran sa Maynila sa “Bigas,” o isang ketongin sa “Manhid.” Ngunit sa malaong pagbabasa, mapagtatantong hindi lang pala ito umiikot sa inaasahang kuwento. Mayaman at malawak ang pinapaksa ng mga kuwento–mula sa panahong nanakop ang mga Hapon hanggang sa kasalukuyang hinahagupit ang bayan ng matinding mga sakuna at pand