
Patining at Iba Pang Sanaysay (The Philippine Writers Series 2023)
Alaala, buhay, kultura, at kasaysayan ng isang lugar na pinalitan ang pangalan ang pinatitining ni Soliman A. Santos sa koleksiyong ito ng kaniyang mga personal na sanaysay. Habang pinalalayak ng mga buktot ang disimpormasyon at habang nilalabusaw ng nasa kapangyarihan ang kasaysayan, pinadadaloy sa Patining at Iba Pang Sanaysay ang mga bangka ng katotohanan. Ambag ito hindi lamang sa malikhaing pag-aakda ng karanasan kundi maging sa matapat na pagsasalaysay ng lokal na kasaysayan ng bayan. —Mykel Andrada, guro at manggagawang pangkultura Sa kaniyang aklat ng mga sanaysay, isasagwan tayo ni Soliman A. Santos sa ilog ng kaniyang bayan. Narito ang kaniyang mga pagtunggali at pagtangi sa daloy ng mga alaala at agos ng mga pangyayaring mabubuo sa ating kamalayan habang nagbabasa. Sa kaniyang pagsisiwalat, mas makikilala natin ang ating mga sarili. Sa huli, matutuklasan natin na ang kaniyang bayan ay bayan din natin. —Rommel B. Rodriguez, manunulat at iskolar Tulad ng tubig. Ganito ang pros