Sa Pagitan ng mga Emerhensiya (The Philippine Writers Series 2022)

Sa Pagitan ng mga Emerhensiya (The Philippine Writers Series 2022)

$30.00
{{option.name}}: {{selected_options[option.position]}}
{{value_obj.value}}

Hindi maikakahon si Rosmon Tuazon, na pangunahing makata ng mga ideya’t posibilidad, mga pansamantala, pala-palagay, pana-panaginip (ng persona’t panauhan kabilang ang mga anghel), paradoha’t parikala, mga makabagong parabulang walang aral at malaparabolikong pagsasalansan-pagsasalaysay, pag-aatupag ng at pag-aatubili sa kung ano-ano at kung saan-saang kalat at kalatagan ng kaisipan, mga hinarayang liham at lihim, mga “improbisasyon habang may buhat na silya,” “mga nakaw na linya,” mga walang pangalan at kay raming pangalang karanasan at katauhan. Nasa koleksiyong ito ang isang mundong arbitraryo bagama’t kongkreto o isang mundong kongkreto kahit arbitraryo, na mamamalayang muli’t muling binubuno-binabanat, binabali-ibinabalik, binabali-baliktad (halimbawa, binabaliktad niya ang esensiya ng talinghaga—“sinasabi kong ‘usok,’ // gayong ang ibig ko talagang sabihin, / may abuhing sawá na tinukso ng kaitaasan.”), binubuo-binubuwag ng isang “mahal na makata” na “nagpapadala lamang [sa kany

Show More Show Less