Sa Tuwing Ikaw ay Tahimik Mga Tula (The Philippine Writers Series 2022)

Sa Tuwing Ikaw ay Tahimik Mga Tula (The Philippine Writers Series 2022)

$30.00
{{option.name}}: {{selected_options[option.position]}}
{{value_obj.value}}

Ang mga tula ay malikhaing pagsasaboses sa naging pag-uusisa ng makata sa kung bakit may mga pagkakataong tahimik ang bata. Ramdam ko na ang kinang sa mata ng mga batang mambabasa bilang pagsang-ayon sa mga tulang nagbibigay-tinig sa kanilang mga karanasang tinimpi ng pananahimik. Kakampi ng mga bata ang mga tulang ito, at iyon ang pinakamakapangyarihang ambag ni Alquisola sa kanyang koleksiyon. Christine S. Bellen-Ang, PhD Manunulat at Mandudula Para sa mga Bata Maraming gustong sabihin ang koleksiyon ng tulang Sa Tuwing Ikaw Ay Tahimik sa panulat ni Vijae Alquisola: ako ang batang nagpipigil ng ihi, ang batang sinlaki ni Santa Klaws, ang batang ikinahihiya ang baon, may ADHD, at ang batang binu-bully sa internet. Iba-iba ang mga tauhan, iba-iba ang danas pero halos iisa ang damdaming nangingibabaw. Ako ay bahagi ng minorya, may katangian o karanasang kaiba sa alam o nakasanayan ng nakararami. May mali ba sa akin? Ang mga salita ni Vijae ay tumatagos sa pahina, yumayanig ng alaala, at

Show More Show Less