Lata ng Salaginto Mga Tulang Pambata (The Philippine Writers Series 2022)

Lata ng Salaginto Mga Tulang Pambata (The Philippine Writers Series 2022)

$45.00
{{option.name}}: {{selected_options[option.position]}}
{{value_obj.value}}

Ang Lata ng Salaginto ay isang paglalakbay sa pagkabata. Ipinapakita ni Eugene Y. Evasco ang yaman, talino, at talinghaga ng pagkabata. Sa aklat, inihahandog ang tula bilang kanlungan ng hiwaga at haraya. Ipinakikilala nito sa mga bata ang maraming paraan ng pagbáka sa mga takot: takot sa tula, sa mga nagaganap sa mundo, at sa mga personal na danas. Ginamit ng makata ang sariling karanasan bilang batang uhaw sa mga tula upang tugunan ang pangangailangan sa tula at pag-asa ng mga bata sa kasalukuyan at susunod pang henerasyon. Tunay ngang masasabing si Evasco ay isa sa mga pangunahing manunulat ng panitikang pambata sa Pilipinas ngayon, dahil sa palagi niyang pagharap sa hamong hubugin at banggain ang porma, estetika, at nilalaman ng mga sulatin para sa mga bata. Sa aklat na ito, maglalakbay ang batang mambabasa, at matutunton niya ang isang bukas na kumikilala sa kaniyang kapangyarihan. —Cheeno Marlo Sayuno, guro, mananaliksik, at manunulat ng mga aklat pambata Author: Eugene Y. Ev

Show More Show Less