
Pax: Batong Hiyas ng Masara (The Philippine Writers Series 2024)
Mula sa autobiyograpiya, ang malanobelang talambuhay ni Godofredo “Ka Paking” Guimbaolibot ang ginawang tuntungan ng may-akda upang maipagpatuloy ang masalimuot na naratibo ng kasaysayan ng kilusang mapagpalaya sa bansa, mula sa malagim na pagkakamali patungo sa pagbangon, na naisalikop sa naging buhay at pakikibaka ng pangunahing subject ng talambuhay ng aklat na ito. Kagila-gilalas din ang naging pagtatagni ng may-akda ng kasaysayan at komplikadong panlipunan, pang-ekonomiya, at pampolitikang konteksto ng mga lunan na ginalawan, kinilusan, at inorganisa ni Pax sa kabuuan ng kanyang maningning na buhay bilang rebolusyonaryo. —Rebyuwer ng Pax: Batong Hiyas ng Masara Author: Lualhati Milan Abreu ISBN/ISSN: 9786210900804 Category: Literary; Essays; Creative Nonfiction; Biography Copyright: 2024 Pages: 212pp Dimensions: 6 x 0.7 x 9 in. Type: PB/BP