
Tangke: Mga Gunita ng Pagkabata by Ferdinand Pisigan Jarin
"Ang mga karanasan sa kamusmusan, ang mga kasiyahan at kalungkutan, malaki man o maliit, ay nagtatanim ng mga binhi ng mga pangarap sa puso ng isang bata, mga pangarap na maaaring lagpas pa sa mataas na tangke na lihim niyang inaakyat. Doon sa ituktok ng mataas na tangke, inaangkin niya lahat ng abot-tanaw: ang mga bukid, mga bahay, mga palay na nakabilad sa init ng araw. Pero gaano ka man katagal sa itaas ng tangke, bababa ka pa rin na tulad sa pagbaba sa katotohanan. Para ikuwento ang mga kuwentong binuo mo sa isip habang ando’n ka sa itaas at “nabubuhay sa ibang mundo.” Di mo namamalayan, lahat pala ng ito ang huhubog sa iyong pagiging manunulat. Hanggang sa ang ikukuwento mo na ay hindi ang mga pinangarap mo sa itaas ng tangke kundi ang mga katotohanang hinarap mo dito sa ibaba. Pagbati, Ferdie, sa maganda, tagos-sa-pusong koleksiyong ito ng mga kuwento ng paglaki. —LUALHATI BAUTISTA Sa madetalye at kurot-pusong mga sanaysay tungkol sa kanyang mga taon ng paglaki sa gitna