
Anim na Sabado ng Beyblade by Ferdinand Pisigan Jarin
"Ang personal na sanaysay ang pinakanarsisistiko sa mga anyong pampanitikan: “I, me, myself,” “Ai-Ai” (I, I), “Mimi” (me, me) at “back-to-me” dahil paratihang patungkol ito sa karanasan, mundo at pananaw sa mundo ng manunulat. Sa mga sanaysay na ito ni Jarin, dinadala tayo sa iba-ibang sityo at panahon ng kanyang buhay, ang musikang kinakaaliwan, ang mga isyung pinagdadaanan at kinakaharap: matalas, magaan, parang nagsasalaysay lang. Na ang kanyang natatangi at tinatanging mundo ay hindi naman pala hiwalay at kakaiba sa ating mundo noon, ngayon at sa hinaharap, umigpaw na si Jarin sa personal na sanaysay bilang personal na bagay lamang. Ito ay kolektibong salaysay ng isang henerasyong nauna’t kahaharapin nating lahat: malungkot-masaya, tamis-anghang, nauna’t nahuli lang tayo sa mga lakbay at salaysay dito. —ROLANDO B. TOLENTINO Mapaglaro ang bagting ng kwerdas ng mga kwentong buhay ni Gwapo (tawag ng henerasyon namin sa PNU sa kanya). Parang mga mailap na notang hinahanap nyang pilit a