
Bayan-bayanan: Antolohiya ng mga Katha sa Lunan ng Gunita
Mga Editor: Rolando B. Tolentino and Rommel B. Rodriguez Tungkol sa aklat: Ang bayan ay tagpuan at tauhan sa loob at musa sa labas ng panitikang Filipino. Bayan ang sentro, tagaloob, modernong pagkatao, modernistang idea, at kagawian. Sa panitikan, ito'y isang partikular na lugar na kinalakihang ng tagapagsalaysay, o imahen ng isang mapagkandiling inang bayan o ang kilusang bayan na nagsusulong ng makatuwirang pagbabago. Mula sa ganitong mayaman na tradisyon masasabing humango sa iba't ibang konsepto at kalakaran ng paghiraya ng/sa bayan ang mga manunulat sa antolohiyang ito. Gamit ang kapangyarihan ng gunita, nakalikha sila ng kani-kaniyang bayan sa iba't ibang panahon, anyo, larawan at pag-iral. Pero mapaglaro ang bayan-bayanan dahil may pagkukunwari sa pakiwari ng pagkaugat at pagkasanga na tila napilitan lang akuhin at pamahayan ang tinaguriang bayan-bayanan. Pinapahiwatig nito ang pabalat, ang pagiging artifisyal at marahil sapilitang pasisityo at paglulugar ng sarili at kapwa. Da