BIO (LENTE) Mga Bagong Katha Sa Danas ng Dahas at Banwa

BIO (LENTE) Mga Bagong Katha Sa Danas ng Dahas at Banwa

$55.00
{{option.name}}: {{selected_options[option.position]}}
{{value_obj.value}}

Ang Bio(Lente) ay isang kolektibong pagninilay ng mga manunulat sa danas sa karahasan ng mga kontemporaneong henerasyon sa iba't ibang bahagi ng bansa. Hindi lámang ito literal na dahas kundi epistemikong karahasan na nagpapamangmang at nagpapatanggap sa dinarahas sa kaibahan nito na mababa, hindi buo't mabubuo, hindi mahalaga. Nagninilay ang mga katha sa mga naging at nagiging historikal na serialidad ng pambansang trauma sa pananakop, batas militar, diktadura, tiraniya, populistang pangulo, at iba pa. Patuloy na nakadungaw kundi man namamayagpag ang ulo ng fasismo at tiraniya lalo na sa mga populistang pangulo. Ang pinakainaapi rito ang siya pang nagiging balon ng botong nagtitiyak ng kasunod. Patuloy na lumalawak at lumalalim ang danas sa karahasan at kultura ng impunidad, kumikitid ang demokrasya at ehersisyo ng mga karapatan, umiigting ang biopolitikal na dominasyon ng ating mga katawan at espasyo. Kung hindi mapipigilan ang sistemikong danas sa karahasan, napipinto tayo sa ikatl

Show More Show Less