
Liwanag at Itim II: Antolohiya ng mga Malikhaing Akda na Alay sa Alaala ni Teresita G. Maceda
Sa Liwanag at Itim II, mababasa ang mga kritikal na sanaysay na may iba’t ibang punto-de-bista sa iba’t ibang danas at isyu sa lipunan. Ayon nga kay Teresita Gimenez-Maceda sa Mga Tinig mula sa Ibaba (1996): “Datapwat sa lahat ng sulok ng lupa ay naghari at nagkaroon ng mga pangahas na ito, kaya nga’t lumabo ang ganda’t liwanag ng dakilang katotohanan, at ang kaguluhan, ang luha, ang dugo, ang kasukaban, ang kadiliman ay lumaganap sa Sansinukuban. Matagal nang pinipi ng nakasulat na kasaysayan ang pananaw at persepsiyon ng mga mardyinalisado sa lipunang Pilipino.” Sa pagkakataong ito, binibigyan ng espasyo ang mga tinig mula sa ibaba. Editors: Will P. Ortiz, Rowena P. Festin, Maricristh T. Magaling, at Vladimeir B. Gonzales ISBN/ISSN: 99786210900743 Category: Literary Criticism; Literary Studies; Language Studies Copyright: 2024 Pages: 324pp Dimensions: 6 x 0.8 x 9 in. Type: PB/BP