
Ang Itim Na Orkidyas Ng Isla Boracay Mga Kuwento
Nagkukuwento si Genevieve L. Asenjo ng maraming “ako” sa boses ng maraming “ako”: babaeng anak sa pagkadalaga, babaeng naghahanap ng kahulugan sa ibang bansa, lalaking umiibig sa isang dayuhan, mestisang Ati, Ati, Ilongga, Manileña, Pilipina, at kahit global na Pilipina pa. Lahat sila’y naghahanap ng identidad para matagpuan si “ako.” Laging may ipinagtatapat at ipinapahiwatig, kaya interesante. Nasa anyo ring novella ang mga akda, alanganing maikling kuwento at nobela. Resulta ng eksperimentasyon ng awtor, nakagawa siya ng kakaibang akda. Nakatutulong ito sa pagpapalawak pa ng mga posibilidad sa pagpapasigla sa kasalukuyang panitikan ng bansa. —Jun Cruz Reyes “Nagtagumpay ang tagapagsalaysay sa paghabi ng modernong kuwento ng ating panahon. Humahabi siya ng isang pantasya, at maaaring realidad ng mga mangingibig sa mundong compressed na ang mga hangganan ng wika at borders. Sa paghahabi, mahalaga ang tahi at tastas. Tinatastas niya ang performance ng pantasyang ito. Paano? Well, pinam