
Si Maria Makiling at ang Lihim ng Lagusang Dalem (Ikatlong Aklat)
Makapagpupunla sa isip ng mga mambabasa tungkol sa mahahalagang yugto ng ating kasaysayan ang bagong nobelang pangkabataan ni Will P. Ortiz. Sa maingat na pagsasanib ng kagila-gilalas at ng mga dokumentong pangkasaysayan gamit ang estilong pinagdugtong-dugtong na dagli o maiikling kabanata, matutuklasan ng kabataan ang kapangyarihan bilang mga mapanuri at makalipunang mambabasa. Hindi pinagaan kundi inialay sa kakayahan ng kabataan; hindi lamang aliwan kundi mapanghikayat sa panibagong landas ng pag-aakda para sa kabataang Pilipino na gagabay kung paano sisipatin ang nakalipas at ang hinaharap. Ito ang perpektong aklat para sa mga mambabasang handang tuklasin ang kolonyal at masisidhing kabanata ng kuwento ng ating bansa. Ganito ang nobelang pangkabataan na kailangan natin ngayon. Eugene Y. Evasco Premyadong manunulat at propesor, UP Diliman Nakaangkla sa kasaysayan ang pantastiko sa nobela ni Will P. Ortiz. Inaanyayahan tayo nito sa pag-ukilkil sa malayong nakalipas. Habang sinusun