
Shambala at Iba Pang Dula
“Mailap ang wika sa mga dula ni [Aguilar], pero ito rin ang ilap na hindi mahirap hagilapin. Ang kanyang mga dula ay nakalunan sa pagitan, sa mga ditong hindi-dito pero hindi rin naman nalalayo sa pamilyar at pang-araw-araw. Nagagawa ng kanyang mga tauhan na sabay dumaing at magbunyi, magtaka at magsuri, mawalan at manaig sa mga espasyong ito. Madalas na ang pinakapakinabang sa dula na ibinubunyag ng porma ay upang magsiwalat ng pangakong kagalingan sa mga panlipunang sintomas; hindi para sa mga dula ni Aguilar. Sa halip, ang binubuklat at ang binubutingting ng kanyang mga dula’y ang hindi natin namamalayang lumilipas na sandali: ang panahon ay singhalaga ng pangyayari dahil, sa pagtatasa ng kanyang mga dula, panahon lamang din ang nakapagtatakda ng mga magsimbigat na halagahan ng hapdi at lugod, ang punong-hukom sa mga kasawiang nalalabi sa ating mga pagtatangka na magpakatao.” —Carlo Pacolor Garcia “Sa tatlong dula ni [Aguilar], wala nang ibang paggaganapan ang pagdidili-dili sa huli