
Sa Ngalan ng Tigaman (Santigaman): Saksi ang Mamaratbat at Babaylan
Nakapaloob ang santigaman sa ritwal ng panaganito na isinasagawa ng mga babaylan, babae ang karamihan, bago pa mang simbolikal na nagtayo ng krus sa Kabisayaan si Ferdinand Magellan noong 1521. Tinalunton ng pag-aaral ang landas na tinahak ng mga babaylan sa kasaysayan hanggang maigilid sila sa bingit ng pagkalimot sa lipunang Bisaya. Gayumpaman, lingid sa marami, nabubuhay pa ang dalumat ng babaylan bagama’t wala na sila sa kasalukuyang panahon. Ipinagpapatuloy ng mamaratbat ang kanilang mga hiraya at dasal. Sa Katolikong dasal ng mamaratbat sumanib ang lihim ng santigaman. Author: Gloria E. Melencio Editor: Ma. Luisa T. Camagay Translator: Charo Nabong Cabardo ISBN/ISSN: 9786210900767 Category: Social Sciences; History Copyright: 2024 Pages: 386pp Dimensions: 6 x 1 x 9 in. Type: PB/BP