
Kalapating Leon: Isang Kuwento ng mga Diwata Para sa Ating Panahon: Isang Nobela ni Eileen R. Tabios
Isinalin ni Danton Remoto Tungkol sa aklat: Ang KALAPATINGLEON: Isang Kuwento ng mga Diwata Para sa Ating Panahon ang unang nobela ng premyadong makata, manunulat, artist at patnugot na si Eileen R. Tabios. Ito’y isang nobelang suson-suson at puno ng imbensiyon. Dito nalagpasan ng makatang si Elena Theeland ang mga pagdurusa ng nakaraan para bumuo ng isang pamilyang magpapatalsik sa diktaturya ng isang piksiyonal na bansa ng Pacifica. Tinulungan siya ni Ernst Blazer na anak ng isang espiya ng CIA na kasama sa pagpatay sa rebeldeng tatay ni Elena. Habang paalis ng Pacifica ang kanilang pamilya para makatakas sa dinastiyang rehimen ng diktador, nadiskubre ni Elena na kasapi pala siya ng isang katutubong tribo na akala nang marami’y nabura na sa pamamagitan ng malawakang pagpatay. Ipinakita rito na ang buhay niya’y sumasagisag sa pagsilang ng makabagong “Baybay” na sumusunod sa “Babaylan,” isang katutubo at espiritwal na lider sa bansa. Sa pamamagitan ng lirikal at simpleng mga kuwento at