
Aruga: Mga Sanaysay ng Pagtanggap at Paglingap
About the book: Mas nagiging tao ang manunulat sa mismong proseso ng pagsulat.…Sa pagsulat niya higit na nabubuo ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtatagni-tagni sa samu’t sariling pakiramdam at danas ng pag-iral bilang tao.…Patunay dito ang tinipong mga sanaysay sa librong ito ng kathang buhay at kuwento ng mga manunulat tungkol sa kanilang mga karanasan sa pagiging magulang, anak, kapatid, at kaibigang umaalala, nakikibaka, at nagmamahal.…May kani-kaniyang hagod at hangad ang bawat akdang tumatalunton sa mga personal, panlipunan at kung minsa’y pulitikal na aspekto ng pag-aaruga. Kung paano silang nahulma ng mga karanasan ng pag-aaruga bilang pinakakaraniwang taong pumapansin sa lugod at pasakit ng buhay. Kung paano sila nahulma ng mga danas na ito bilang mga tagalikha ng mga ugnayang tumutulay sa mundo ng panulat, buhay, at bayan.