
Ang Unang Pilipino: Ang Talambuhay ni Rizal
Kadalasa’y salitan ang pagpipinta kay Rizal; kung hindi man santo ay isa siyang makasalanan. Subalit tumayo si Guerrero sa gitna at ibinigay sa atin si Rizal bilang isang tao. Malawak at maingat ang paggamit ni Guerrero sa maraming liham at akda ni Rizal; humubog siya ng isang bago at makataong Rizal. Mahusay ang ginawa ng may-akda: kadalasa’y tumatabi lamang siya at hinahayaan niyang si Rizal mismo ang magsalita para sa kaniyang sarili. -Ambeth Ocampo, mula sa Introduksiyon sa Edisyong Sentenaryo Para kay Guerrero, si Rizal ang pinakadakilang taong nanggaling sa lahi ng mga Malay; pero hindi niya ipinakita si Rizal bilang isang santo o imahen sa museo—kabaligtaran nito, ipinakita niya si Rizal bilang isang tunay na tao na may mga pagkakamaling matatagpuan sa kahit sino pa mang mga tao, at may mga matang “nakatutok din sa mga magagandang babae,” isang bagay na ayaw ipakita ng iba nating kababayan na gustong idambana si Rizal. -Carlos Quirino, mula sa Pagpapakilala Title:Ang Unang