
Abangan: Mga Pambungad na Resepsiyon sa Kultura ng Teleserye ni Louie Jon A. Sanchez
Tungkol sa aklat: Mula sa sariling pagtuturo at paghahaka hinggil sa teleserye sa silid-aralan, tinitipon ni Louie Jon A. Sánchez sa aklat na ito ang kaniyang mga muni hinggil sa nasabing malaganap na telebiswal na produkto at anyo ng kulturang popular. Tinatawag niya ang mga ito na pambungad na resepsiyon sapagkat nagtatatag ng mga panibagong tingin sa kadalasa’y itinuturing na mababang uri ng pang-araw-araw na anyo ng pag-aaliw. Pambungad na resepsiyon din sapagkat ibinalangkas ang naging masaklaw niyang pag-aaral sa kasaysayan ng teleserye sa bansa. Papaano ba dapat basahin at panoorin ang teleserye? May mga sinasabi ba ito tungkol sa ating kasaysayan at kasalukuyan? May kasaysayan ba ito? Sinasagot ang mga ito, at iba pa, sa bawat sanaysay sa aklat.